Mrs. Macasieb
Pangngalan
Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.
GAMIT NG PANGNGALAN
1. Simuno - ang pangngalang pinag-uusapan sa isang pangungusap.
Halimbawa : Si Gng. Macasieb ay maganda.
2. Pangngalang Pamuno - tumutulong para mabigyang-diin ang simuno. Ito ay bahagi pa rin ng simuno.
Halimbawa : Si Gng. Macasieb, ang aming guro, ay maganda.
3. Pantawag - ipinantatawag sa pangungusap.
Halimbawa : Gng. Macasieb, maaari mo po bang ituro ang ating aralin kahapon?
4. Layon ng Pandiwa - ginagamit na layon ng salitang kilos sa pangungusap.
Halimbawa : Si Gng. Macasieb ay natuturo ng mga aralin sa asignaturang Filipino.
5. Kaganapang Pansimuno - nagbibigay-diin sa simuno at nasa bahaging panaguri.
Halimbawa : Si Gng. Macasieb ay ang aming guro sa asignaturang Filipino.
6. Layon ng Pang-ukol - gimagamit na layon ng pang-ukol sa pangungusap.
Halimbawa : Para sa lahat ang mga magagandang asal na tinuturo ng ating mga magulang at guro.

KAYARIAN NG PANGNGALAN
1. Payak - Ito ay salitang-ugat lamang
2. Maylapi - Ito ay salitang-ugat na dinagdagan ng panlapi.
`Unlapi - salitang-ugat at panlapi sa unahan ng salita
`Gitlapi - salitang-ugat at panlapi sa gitna ng salita
`Hulapi - salitang-ugat at panlapi sa hulihan ng salita
`Kabilaan - salitang-ugat at panlapi sa simula at hulihan ng salita
3. Inuulit - Mga pangngalang inuulit ang salitang-ugat. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig..
4. Tambalan - Mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-isa upang makabuo ng bagong salita.
`Ganap - tambalang hindi ganap na nabago ang kahulugan.
`di-Ganap - tambalang nabago ng ganap ang kauhulugan.
KAUKULAN NG PANGNGALAN
1. Palagyo - kung ang pangngalan ay ginagamit na Simuno, Panawag, Kaganapang Pansimuno at Pangngalang Pamuno.
2. Palayon - kung ang pangngalan ay ginagamit na Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-ukol.
3. Paari - may dalawang pangngalang magkasunod at ang pangalawang pangngalan ay nagsasaad ng pagmamay-ari. Ito ay pangngalan na hindi matukoy kung ano ang kayarian.